BHERT members sa bayan ng Basud Camarines Norte tatanggap ng one- time honorarium ngayong kapaskuhan

CAMARINES NORTE- Makakatanggap ng one- time honorarium ang COVID- 19 Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Batay ito sa Executive Order na ipinalabas ni Mayor Adrian Davoco na may petsang December 9, 2021.

Sa ilalim ng naturang EO, lahat ng miyembro ng BHERTs sa 29 na barangay ng Basud ay may karapatan sa one time honorarium.

Ang bawat isang miyembro ay makakatanggap ng halagang P1, 111. 11 alinsunod sa certified lists na isinumite ng mga barangay sa Municipal Health Office.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Ayon sa EO malaki ang papel na ginagampanan ng BHERTs bilang frontliners ngayong panahon ng pandemya.

Nai-expose din umano ang mga ito sa COVID- 19 patients na maaaring nagdulot ng stress, at pag aalala lalo na para sa kaligtasan ng kani- kanilang pamilya.

Ang pagbibigay umano ng one time honorarium ay magbo- boost sa kanilang morale at kahit papano ay makatanggap man lang ng pinansiyal na tulong ngayong panahon ng kapaskuhan.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Kukunin ang pondo para sa honorarium sa Response On Emerging Infectious Diseases Provision for BHERTs sa ilalim ng Supplemental Budget No 3, series of 2021.

Ang Municipal Health Office ang siyang responsable sa submission ng certified lists of BHERTs membership na siyang basehan ng pagre- release ng one time honorarium sa ilalim ng Section 1 ng naturang Supplemental Budget.

Effective immediately rin  ang naturang EO.