Iba pang iligal na e-sabong sites, inilunsad sa kabila ng admin order na ipasara ito

Sa kabila ng order ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipahinto na ang lahat ng operasyon ng online sabong, nadiskubre pa ng Department of Interior and Local Government na mayroon pa ring mga bumuo ng iligal na websites para maka-talpak.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, na-monitor nila na mayroong pitong bagong e-sabong betting sites matapos ang closure order sa mga ito.

Aniya, ngayong ipinasara na ang mga opisyal na e-sabong operators na aprubado ng PAGCOR, nagsi-sulputan naman ang mga bumuo ng illegal websites para rito.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa ngayon, tukoy na umano nila ang pitong websites na ito at inatasan na ang Anti-Cybercrime division ng PNP para imbestigahan at tugisin ang mga nasa likod nito.
#