Opisyal ng barangay na ‘nakisawsaw’ sa eleksyon, makakatikim ng ganti mula sa kanilang konstituente pagsapit ng Barangay Election-DILG Sorsogon

SORSOGON CITY – Hindi umano makakaligtas sa paniningil ng kanilang mga nasasakupan ang mga Barangay Officials na lantarang ‘nakisawsaw’ noong nakaraang national at local elections, ito ang pagtitiyak ng DILG-Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News sa hepe ng nasabing Kagawaran na si Julius Rodel Cal Ortiz, sinabi nito na ang mga barangay officials na lantarang nag endorso ng mga kandidato, sumama sa mga miting de avance, nag bahay- bahay at namigay ng kung anu-ano at nakisali sa pamimigay ng pera sa mga botante na nagdulot ng kaguluhan, ay makakatikin ng ganti mula sa kanilang mga konstituente.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga
Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Aniya, posibleng hindi na ang mga ito makatikim ng boto matapos ang mga isyus na kinasangkutan noong nakaraang halalan, kung kaya’t malaking hamon ito sa kanila upang magpaliwanag at muling kunin ang loob ng kanilang mga nasasakupan.