Mambabatas, umapela sa next admin na tutukan ang agri-smuggling

Nanawagan ang isang mambabatas sa papasok na administrasyon ni presumptive president Bongbong Marcos na tutukan ang isyu ng talamak na agricultural smuggling sa bansa.

Sa pahayag, umapela si House Ways and Means committee chairperson Albay Rep. Joey Salceda na gawing prayoridad ang pagsugpo sa iligal na pagpupuslit sa sektor ng agrikultura.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Aniya, ang laki ng naging epekto nito sa bansa kaya naman sa unang 24 araw ni Marcos sa posisyon ay sana raw matutukan ang isyu.

Maaari aniyang baguhin ng bagong administrasyon ang sistema sa taripa, pati na rin ang pag-amyenda sa Special Safeguards Law.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Mababatid na bago ito, nanawagan na rin si Salceda sa National Bureau of Investigation na aksyunan na rin ang agri-smuggling, at tumulong sa pagtunton sa mga nasa likod ng modus na ito.
#