Iba pang anomalya sa NFA, ibinunyag ni Pangulong Marcos

Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos sa desisyon na suspendihin ang mahigit isandaang officials ng National Food Authority o NFA.

Kasabay nito ibinunyag rin ng Pangulo ang iba pang anomalya sa loob ng NFA.

Sa recorded interview sa Pangulo, sinabi nitong maliban sa maanomalyang pagbebenta ng NFA rice, may ilang procedure sa loob ng ahensya na isinasagawa nang walang pahintulot ang board at proper discussion sa NFA.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Sinabi rin ng Pangulo na ang nangyaring transaksyon sa pagbebenta ng mga NFA rice ay walang approval ng Department of Agriculture at ng kanyang Gabinete.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Nabatid na pinatawan ng suspensyon ng Ombudsman ang 139 na NFA officials, kasama sina NFA administrator Roderico Bioco at NFA assistant administrator for operations John Roberto Hermano, gayundin ang 12 regional managers, 27 branch managers at 98 warehouse supervisors.