Senador, umaasang mare-reverse ang contempt order laban kay Quiboloy

Ikinuwento ni Senate President Migz Zubiri na nagkausap na sila ni Senador Robin Padilla at kumpyansa umano ito na makukuha niya ang boto ng majority of the members ng committee upang ma-reverse o maiatras ang contempt order laban kay Apollo Quiboloy.

Ayon din kase kay Senadora Imee Marcos, nagkausap na sila ni Padilla at nagkasundong pipirmahan nila ang pag-object sa ruling ni Senadora Risa Hontiveros.

Read More:  Taiwan donates ₱12.2M for Mindanao earthquake recovery

Dagdag pa ni Marcos, palagay niya ay makukumbinsi rin nila ang ilan nilang kagrupo tulad nina Senador Christopher “Bong” Go at Senadora Cynthia Villar na suportahan ang kanilang objection dito.

Samantala, tumanggi na munang magbigay ng komento si Zubiri tungkol dito bilang pagrespeto sa komite.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Ayon pa sa kanya, hihintayin na lang muna niyang matapos ang pitong araw upang makita kung ano ang mangyayari.

Maalala, matapos mag-object ni Padilla sa naging desisyon ni Hontiveros na contempt order laban kay Quiboloy ay binigyan siya ng pitong araw upang kumalap ng walong boto upang ma-reverse o maiatras ang nasabing desisyon.