I.S.O. certification ng Albay Capitol, isa sa mga target ng gobernador

LEGAZPI CITY – Matagal na umanong pinag-iisipan ng gobernador ng Albay na si Noel Rosal ang pagkakaroon ng ISO certification ng Albay Capitol.

Sa pahayag ng gobernador, nagawa ng lalawigan ng Sorsogon ang pagkakaroon ng nabanggit na sertipikasyon at alam niyang kaya rin ito ng Albay.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Aniya, basehan ito ng pagganap at serbisyo ng bawat departamento ng capitol.

Dagdag pa ni Rosal, sa ISO certification masusukat ang lahat pati na ang serbisyo ng mga empleyado nito.

Sinabi pa ng gobernador na bentahe ang pagkakaroon ng ISO certification lalo na pagdating sa grants at mga pribelehiyo, maging sa US ID, World Bank at iba pang mga financial institutions.

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu

Maliban dito, kalamangan din umanong maituturing ang pagkakaroon nito sa ibang hindi kwalipikado. Kung magkakaroon, maganda, aniya, itong ilagay sa kanto ng building ng opisina.