NAGA CITY- Palutang-lutang at wala nang buhay nang matagpuan ang isang pulis sa Naga River.
Sa ulat ng Naga City Police Office bandang alas-7:30 , Setyembre 18, 2022 nang makita ang katawan ng isang lalaki sa sakop ng Barangay Mabolo. Sa imbestigasyon nakilala itong si PCpl Jay Jalapadan, 30- anyos assigned sa Regional Intelligence Unit 4A, Provincial Intelligence Team Cavite. Suot pa nito ang PNP athletic shorts. Agad naman siyang nakilala ng kaniyang team.
Bago ito, napag alaman na bandang alas- 9:30 ng gabi September 15, 2022 tumungo ang 4-man team sa Matnog, Sorsogon. 8:30 ng umaga noong September 16, 2022, nang dumating sa Matnog, Sorsogon, nakipagkita sa PIT Eastern Samar at ikinustudiya ang isang wanted person. Bumalik sila sa Naga City at nagpahinga muna, dumaan din sa inuman pero bandang ala- una ng madaling araw noong September 17, 2022, iniwan ni Jalapadan ang kaniyang teammates at hindi na bumalik.
Nakasaad pa sa ulat ng PNP na bago ito, binanggit ng pulis ang kaniyang mga problema sa negosyo at pagsuporta sa mga kaanak sa Zamboanga City.
Binigyan diin ni PSMS Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office na wala itong koneksyon sa Peñafrancia Fiesta.
Ang SOCO walang nakitang sign of struggle , pero nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkahulog nito sa Naga River.