Hyun Bin, Son Ye Jin, gagawa ng legal na aksyon laban sa mga nagpapakalat ng tsismis na sila’y maghihiwalay na

Pinag-iisipan ng celebrity couple na sina Hyun Bin at Son Ye Jin na gumawa ng legal na aksyon sa isang content creator na nagsimula umano ng tsismis na sila’y maghihiwalay na.

Noong nakaraang linggo, isang video ang na-upload sa YouTube na nagsasabing nagkasundo umano ang mag-asawa na magkaroon ng diborsyo dahil sa financial losses na dulot ng pagsusugal umano ni Bin sa ibang bansa.

Read More:  “Let us heal”: Elijah Canlas speaks out on breakup with Miles Ocampo

Sinabi rin sa video na naghiwalay na ang mag-asawa noong Marso pagkatapos ng anim na buwang kasal. Ayon sa Crash Landing On You” co-stars, hindi tama ang mga ipinakalat na impormasyon dahil halos isang taon nang kasal ang dalawa.

Read More:  Sachzna Laparan breaks silence on ‘Miss Flawless’ controversy; Angelica Jones calls for apology

Ang na-upload na video ay tinanggal na ngayon sa youtube.//CA