KORONADAL CITY — NABUNOT ng mga otorodidad ang nasa 11,000 na puno ng pinaniniwalaang marijuana sa Sitio Asmakul-Basag, Barangay Sinapulan, Columbio, Sultan Kudarat sa pangunguna ng Philippine Druge Enforcement Agency o PDEA Region 12.
Tinatayang nagkakahalaga ito ng P2.2 million pesos.
Nakatakas naman ang dalawang umano’y marijuana cultivator na kinilalang sina Vincent Estrada at alyas Virgel.
Sa ngayong nahaharap sa kasong Section 16 Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing mga suspek.
