Hustisya sa kamatayan ng Grade 6 pupil sa Tantangan, SCot, isinisigaw ng ama!

KORONADAL CITY – HUSTISYA ngayon ang sigaw ni Meng Palaguyan, ama ni Khurk Lowie Billones, Grade 6 pupil na na hit and run sa kabahaan ng daan ng Barangay Magon, Tantangan, South Cotabato.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Palaguyan, inihayag nito na lubos ang bigat ang sakit na kanilang nararamdaman na wala na ang kaniyang ikalawang anak sa ikalawa nitong asawa na si Renalyn Billones Palaguyan.

Ayon kay Meng, wala silang ibang pangarap para kay Khurk, yon lamang ang makapagtapos ito ng kaniyang pag-aaral na maabot nito ang kaniyang pangarap na maging isang engineer, ngunit ito ang nawala dahil umano sa kawalan ng pag-iingant ng ilang mga driver na dumadaan sa kanilang lugar.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Inaasahan ni Renalyn Billones Palaguyan, ina ni Khurk na ma-settle na ang problemang ito ng kaniyang anak dahil hindi lamang si Khurk ang apektado, ngunit kasali rin dito ang kaniyang ama na si Meng kung saan nabalian ito ng buto dahil sa pagkakabundol sa kanila.

Inihayag nito na umaabot lahat sa mahigit P450,000 ang kanilang hinihingi sa nakabundol bilang settlement fee, ito’y dahil magpapatuloy pa ang pagpapagamot sa asawa nito na si Meng gayundin ang paglalagay ng stainless sa kaniyang kaliwang paa na nagkadiperensiya dahil sa aksidente kung saan wala silang ibang mapagkunan ng pera dahil na rin sa kahirapan ng buhay.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Dagdag ni Renalyn, na kanilang ikinalulungkot na mag-asawa ang pabago-bagong statement ng itinuturo at pinaghihinalaan na nakabundol sa kanilang anak kung saan, hindi nito pinanindigan una pa lamang ang kaniyang statement sa mga otoridad.