LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay na humigit-kumulang 40 Albayano na may cleft lip ang sumailalim sa libreng operasyon.
Ang mga nasabing mga pasyente na may cleft lip ang sumailalim sa libreng operasyon nito lamang Hunyo 26‐29 sa Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Hospital (JBDAPH).
Ang mga doktor at surgeon ay mula pa sa Advance Craniofacial Project Philippines, Inc. ay nagsagawa ng mga operasyon sa mga pasyente, na ang edad ay mula 4 na buwan hanggang 22 taong gulang.
Ayon naman sa gobernador ng Albay na si Edcel Greco Lagman, bumibisita sya sa JBDAPH sa panahon ng mga operasyon upang personal na pasalamatan at papurihan ang mga doktor at lahat ng mga medikal na practitioner na nagsagawa ng mga operasyon.
Ayon pa sa gobernador, kailangan pang palakasin ang isang inclusive healthcare system sa lalawigan.
Naroon din ang Albay Provincial Health Officer Dr. Estela B. Zenit at JBDAPH Chiefs na sina Dr. Jong Concepcion at Dr. Glenn B. Isip upang tumulong sa kaganapan.