Diumano’y mga langaw inireklamo sa Naga

NAGA CITY –  Inirereklamo na naman ng residente ang poultry na nasa Sitio Yabu Barangay Carolina sa Naga City dahil sa diumano’y muli na namang pagdami ng langaw sa kanilang lugar, pasok hanggang sa loob ng kanilang mga bahay.

Kaugnay nito, nakapanayam ng Brigada News FM Naga, si Carolina Barangay Kagawad Antonio Merilles na siyang committee chairman sa Agriculture sa kanilang barangay at nabanggit nito na wala namang langaw sa kanilang lugar.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Anya’y kung may langaw naman ay iyong ordinaryong bilang lamang at hindi marami tulad ng reklamo.

Ang naturang poultry na posibleng pinagmulan diumano ng mga langaw ay nasa sakop ng Barangay Panicuason.

Batay naman sa pahayag ni Panicuason Punong Barangay Domingo Ramos, dalawa kasi ang Sityo Yabu sa Carolina at sa Panicuason. Tinuturo ni Ramos na ang naturang poultry na pag-aari ng isang negosyanteng politiko ay sakop ng Carolina at hindi ng kanyang barangay.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Magkagayun man nanawagan siya sa mga resedente na magreklamo sa kanyang opisina kung maraming langaw. 

Una na ring sinabini Carolina Punong Barangay Eufresima Maguiat na papatingnan niya ang pangyayari.