Humigit kumulang 100 estudyante sa senior high school isinailalim sa road safery seminar

Aabot sa mahigit kumulang isang daang senior high School Students ng Tuaca National High School sa bayan ng Basud, Camarines Norte ang isinailalim sa Road Safety and defensive driving seminar noong Biyernes, February 23.

Ang Philippine National Police Highway Patrol Group ang nagpaliwanag ng traffic rules, signages at defensive driving sa mga estudyante na karamihan ay nagmamaneho na lalo na ng motorsiklo kahit marami sa mga ito ay walang lisensiya.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Ang naturang aktibidad ay taunang proyekto ng Basud Municipal Police Station at ng Municipal Advisory Group for Police Transformation a nd Development (MAGPTD).

Sa gitna na rin ito ng patuloy na pagtaas ng mga vehicular accident sa naturang bayan na karamihan ay kinasasangkutan ng motorsiklo.

Unang nagsagawa ng nabanggit na aktibidad Pebrero noong nakaraang taon at ang ginawa noong Biyernes ay pangalawang taon na.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Suportado naman ng Department of Education (DepEd) ang nabanggit na mga aktibidad.

Sa katunayan ay ini- integrate na umano ito sa classroom instructions.

Maliban sa road safety seminar ay mayroon ding mga resource person mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpaliwanag naman ng kahalagahan ng civil registration.

Ngayong Pebrero ay  ipinagdiriwang ang Civil Registration Month.