Huling SONA ni PRRD, magiging simple lamang – PCOO

Tiniyak ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na repleksiyon ng pagiging simple ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aasahan ng publiko para sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) sa darating na Hulyo 26.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar ilalahad ng punong ehekutibo ang reyalidad sa ground lalo na at nagpapatuloy pa rin ang pandemya, mga pili o mahahalagang nagawa ng administrasyon at mga naging pagbabago sa nakalipas na limang taon.

Read More:  VP Sara Duterte says impeachment complaint lacks evidence

Sinabi ng opisyal na matagal na nilang pinaghahandaan ang huling pag-uulat sa bayan ng Pangulo habang nailatag na rin aniya ng grupo ng mga speech writers ang accomplishment ng Presidente.

Mula naman dito ay bahala na si Pangulong Duterte kung ano ang nais niyang maisama sa kanyang talumpati sa SONA lalo’t hindi naman mababangit lahat ang mga nagawa na nito sa kanyang panunungkulan.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Ayon kay Andanar, ilan rito ay tungkol sa Build, Build, Build; Free tuition act, nakuhang benepisyo ng mga retirees, anti- corruption, may kinalaman sa peace and order at iba pa.