House transportation panel, sisimulan na ang imbestigasyon kaugnay sa NAIA New Year mess

Sisimulan na ng House Committee on Transportation ang kanilang imbestigasyon kaugnay sa technical breakdown sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong New Year’s day.

Ngayong araw, ibi-brief ng Department of Transportation (DOTR), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at mga ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa NAIA ang Transportation panel na pinangungunahan ni Antipolo Rep. Romeo Acop kung anu talaga ang nangyari.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Pero ang naturang briefing ay hindi legislative inquiry, dahil hindi naman ito ginawa bilang motu proprio sa halip ay referral lang ng House Resolution (HR).

Samantala, naghain naman si Committee on Good Government and Accountability chairperson San Jose Del Monte Rep. Florida Robes ng HR 672 noong Jan. 4 na nag-uutos sa kanyang komite na maglunsad ng imbestigayson kaugnay sa naturang insidente.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Si Robes, na miyembro ng Transportation panel, ay isa sa mga apektadong pasahero nang pabalik na siya ng Pilipinas nang mangyari ang NAIA mess.