House-to-house vaccination ipinanukala ng Metro Manila Council

Plano ng Metro Manila Council (MMC) na ipatupad ang house-to-house vaccination sakaling matuloy sa National Capital Region ang panukalang dalawang linggong Enhanced Community Quarantine dahil sa banta ng COVID-19 delta variant.

Ayon kay MMC chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez handa sila sakaling magdesisyon ang pamahalaan ng lockdown para maiwasan ang delta variant surge.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ang hihingin lamang nila sa gobyerno ayon kay Olivarez ay karagdagang suplay ng COVID-19 vaccine.

Paliwanag ni Olivarez habang nasa ECQ ang NCR ay magsasagawa sila ng house-to-house vaccination sa mga barangay.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Humiling din ang alkalde ng pondo sa gobyerno sakaling ipatupad ang ECQ dahil hindi umano kakayanin ng mga LGUs ang 14-days quarantine kung wala karagdagang ayuda.

Una nang sinabi ng Malakanyang na hindi nila masiguro kung mayroon pang pagkukunan ng pondo kung halimbawang muling ipatupad ang mas mahigpit na quarantine restrictions sa Metro Manila.