Limang volcanic earthquakes na lang ang naitala ng PHIVOLCS mula sa Bulkang Kanlaon.
Higit na mas mababa na ito sa daan-daang mga pagyanig na na-monitor mula sa bulkan noong nagdaang mga araw.
Maliban dito, 10,880 tonelada naman ng sulfur dioxide kada-araw ang naitala sa bulkan.
Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng volcanic earthquakes, ipinagbabawal pa rin ng ahensya ang pagpasok sa 4 kilometer radius Permanent Danger Zone.
Nananatili ang Bulkang Kanlaon sa alert level 2.