DOH, sinisikap nang mahanap ang mga nakasalmuhang mga pasahero ng dalawang Omicron cases

Sinisikap na ng Department of Health na mahanap ang mga nakasalamuhang mga pasahero ng 2 kaso na nakitaan ng Omicron variant ng COVID-19 sa Pilipinas

Ayon sa DOH, biniberipika rin nito ang test results ng lahat ng mga pasahero ng Oman Air flight number WY 843 na dumating noong November 30 at ng Philippine Airlines flight number PR 0427 na dumating noong December 1.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Inihayag ng DOH na kinolekta nito ang samples ng unang kaso na isang Overseas Filipino mula Japan noong December 5 at nalaman naman na positibo ito sa COVID-19 noong December 7.

Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Nakolekta naman ang samples ng ikalawang kaso na isang Nigerian national mula Nigeria noong December 6 habang nailabas ang positibo nitong resulta noong December 7.

Ipinunto ng DOH na parehong na-quarantine ang overseas Filipino at ang Nigerian noong December 7.