House leaders, naghain ng panibagong resolusyon

Inihain ng House leaders ang Resolution of Both Houses Number 7 na layong amiyendahan ang economic provisions ng 1987 Constitution.

Kahalintulad ito ng RBH Number 6 na kasalukuyang tinatalakay ng Senado na magsusulong ng economic Charter Change sa pamamagitan ng Constituent Assembly.

Pinangunahan nina Senior Deputy Speaker Dong Gonzales, Majority Leader Mannix Dalipe at Deputy Speaker Jayjay Suarez ang paghahain ng RBH 7 para sa proposed amendments sa Articles 12, 14 at 16 ng Saligang Batas.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Partikular na tututukan ang adjustment sa percentage ng ownership sa franchises, advertising industry at educational institutions.

Paliwanag ng mga leader, parehong-pareho sa proposed amendments ng Senado ang kanilang panukala upang sabayan at mapabilis na ang proseso lalo’t target ng Mataas na Kapulungan na tapusin ito bago mag-Semana Santa.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sinabi ni Gonzales na ito ay pagpapakita na sinusuportahan nila ang Senado sa planong pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Dagdag pa ni Dalipe, posibleng gawin nila ang pag-constitute ng committee of the whole upang mas mapabilis ngunit komprehensibo ang diskusyon.