House Committee on Human Rights: hindi kailangang pumatay ng tao para lang resolbahin ang illegal drug problem sa bansa

Napag-alaman umano ni House Committee on Human Rights Chair Rep. Bienvenido Abante Jr. ang kalubhaan ng mga testimonya ng mga biktima ng war on drugs campaign ng Duterte administration.

Ito aniya ang dahilan ng kanilang imbitasyon kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Bato Dela Rosa, at dating Senadora Leila de Lima sa pagdinig hinggil sa naturang kampanya.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Abante, sinabi nitong nalaman nilang may mistaken identy na nangyari, at may pinatay ring mga indibidwal mismong sa harap ng kanilang pamilya.

Ayon kay Abante, naniniwala siya sa war on drugs.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Sa kabila aniya nito, iginiit niyang hindi naman kailangan na pumatay ng tao para lang magapi ang ilegal na droga sa bansa.

Binigyang-diin nito na sa loob ng anim na taon at hanggang ngayon, hindi nagapi ang ilegal na droga.