Hontiveros, naglagak ng pyansa para sa kaso nitong wiretapping

Nakapaglagak na si Senator Risa Hontiveros ng P36,000 na pyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan matapos itong pormal na makasuhan ng wiretapping nitong buwan.

Pinirmahan ni Presiding Judge Rechie Ramos-Malabanan ng Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 46 nag bail order.

Read More:  Sen. Bato still not allowed virtual Senate attendance

Doon ay inutos ng hukom sa lahat ng mga otoridad na isantabi muna ang warrant of arrest na inisyu laban kay Hontiveros noong December 27, 2021.

Itinakda naman ang araignment at pre-trial conference sa January 21, 2021.

Mayroong koneksyon ang kaso sa paglabag umano ni Hontiveros sa Republic Act No. 4200 o Anti-Wire Tapping Act.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Inihain ng Pasay City Prosecutor’s Office ang mga kasong kriminal laban kay Hontiveros matapos makitaan ng probable cause ang kaso na nagmula sa reklamo a inihain ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.