Wiretapping case na isinampa ni Aguirre, ‘walang kwenta’ – Hontiveros

Binatikos ni Senator Risa Hontiveros ang kasong wiretapping na inihain laban sa kaniya ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Inakusahan ni Aguirre si Hontiveros nang pagpapakalat ng kaniyang text messages kay dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras sa gitna ng Senate inquiry noong 2017.

Read More:  Taiwan donates ₱12.2M for Mindanao earthquake recovery

Sa isang pahayag ay sinabi ni Hontiveros na desidido siyang labanan ang kaso, na isa aniyang paraan ng pangha-harass.

Naniniwala ang senadora na nasa panig niya ang batas at katotohanan.

Iginiit niya na protektado ng mismong Konstitusyon ang lahat ng aspekto ng kaniyang naging privilege speech sa Senado.

Read More:  OCD on heightened alert for Super Typhoon Inday

Binigyang diin naman ng senadora na si Aguirre ang lumabag sa batas, matapos aniya itong ma-caught in the act na gumagawa ng conspiracy laban sa kaniya.