Kumpyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas na makakamit nito ang kanilang targets para sa Digital Payments Transformation Roadmap (DPTR) pagdating ng 2023.
Sa ilalim ng DPTR, ay layon ng central bank na i-digitalize ang humigit-kumulang 50% ng retail payments volume.
Nais rin nito na maipasok ang 70% ng Filipino adults sa formal financial system sa pamamagitan ng payment o transaction account pagsapit ng 2023.
Inihayag naman ng BSP na ang share ng digital payments sa total financial transactions ay umabot sa 20.1% noong 2020 mula sa 14% noong 2019 at 1% noong 2013.
