Hontiveros, muling isinusulong ang total overhaul sa BI

Muling nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa kanyang panawagan para sa overhaul ng Bureau of Immigration (BI) sa gitna ng alegasyon na may ilan sa kanilang personnel ay sangkot sa human trafficking syndicates.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, na pinamumunuan ni Hontiveros, binigyang diin nito, na hindi pa masawata itong napakalaking human trafficking operations ng mga sindikatong Chinese.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Binigyang diin ng senadora, na ang BI dapat ang pagiging “last line of defense” laban sa human trafficking.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Sa gitna nito, tinagurian ni Hontiveros ang naturang human trafficking scheme bilang “modern-day slavery.”

Dagdag ng mambabatas, na kasangkapan din umano sa naturang scheme ang mga social messaging platforms gaya ng Facebook, Telegram, at WhatsApp, maging ang mga dating applications.