Homeowners’ Association ng Multinational Village, naaalarma sa pagdami ng Chinese

Nangangamba ang Homeowners’ Association ng Multinational Village sa dumadaming Chinese at pagsulpot ng iba’t ibang establishments sa village.

Ayon kay Geraldine Natividad, Director ng Multinational Village Homeowners’ Association, pinangangambahan nila na baka may ginagawang ilegal ang mga ito sa mga itinayong establisyimiyento.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Aniya, nagsulputan bigla ang mga restaurant at groceries sa village na nasa dalwampu mahigit kung saan foreign nationals ang parokyano at hindi pinapayagan na pumasok ang mga pinoy.

Ang nakakabahala pa umano rito ay walang business permit mula sa asosasyon ang mga establisyimyento.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Ayon pa kay Natividad, wala naman daw silang diskriminasyon laban sa mga Chinese at welcome naman sila basta susunod sila kanilang patakaran at walang krimen na gagawin sa loob ng village.