Lalaki, arestado matapos manakit ng delivery rider at tanod sa Lucena City

Arestado ang isang lalaki matapos nitong manuntok at manipa ng delivery rider at tanod sa Barangay Dalahican, Lucena City nitong Martes, Hunyo 4.

Ayon sa police report, naglalakad noon palabas ng eskinita ang delivery rider na si alyas “Brent” nang walang anu-ano itong sinipa sa tiyan, sinuntok at iniumpog ang ulo sa pader.

Read More:  Mayon gas emissions reach 26-year high, raising risk of explosive activity

Dahil sa takot ay agad itong isinumbong ng rider sa barangay kung saan ay agad naman itong nirespondehan.

Sa gitna nito, minura ng suspek ang barangay at sinipa pa sa tiyan na nagresulta sa kanyang pagkakatumba.

Read More:  ₱6 million marijuana plantation destroyed in Agusan del Sur

Samantala, naaresto rin naman ang suspek sa tulong ng iba pang barangay tanod at nahaharap ngayon sa kasong Slight Physical Injury at Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agents of Such Person.