24/7 deployment ng BOC at DA team para sa tuloy-tuloy na shipment process, ipinag utos ni PBBM

Nais ni Pangulong Bongbong Marcos na tuloy-tuloy ang operasyon ng mga shipment process sa bansa.

Kaya naman ipinag utos ng Pangulo ang 24/7 na deployment ng Bureau of Customs at Department of Agriculture teams, upang matiyak na walang patid ang serbisyo ng mga ito.

Sa ikaapat na pulong kasama ang Private Sector Advisory Council– Infrastructure Sector Group, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng patuloy na shipment processing sa bansa, upang mas marami pang barko o kargamento ang ma-accomodate ng Pilipinas.

Ang mandatong ito ng Presidente ay alinsunod na rin sa recomendasyon ng PSAC upang masiguro ang 24/7 operations ng lahat ng government services na mayroong kinalaman sa logistics at supply chains.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *