Inaasahan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang nasa 100,000 hanggang 110,000 pasahero na dadagsa sa kanila ngayong Holy Week break.
Ayon kay PITX Corporate at Government Relations head Jason Salvador, na sa kasalukuyan, ang kanilang terminal ay kayang mag-accommodate ng nasa 91,000 pasahero araw.
Dagdag ni Salvador, ang pagtaas sa bilang ng commuters ay inaasahang magsisimula ngayong araw hanggang sa Huwebes Santo.

Nakikita naman na magsisimulang bumaba ang passenger volume sa Biyernes Santo, pero muling tataas pagdating ng Linggo hanggang Lunes, dahil marami na ang babalik ng Metro Manila.
Sa gitna nito, tiniyak ng pamunuan ng PITX maging ng mga kinauukulang mga ahensya ng gobyerno, na handa sila sa pagdagsa ng mga pasahero. //MHEL PACIA-TRINIDAD