HIV, hindi sentensyang kamatayan ayon sa grupong GentleMen Bicol

“Ang HIV ay hindi sentensyang kamatayan.”

Ito ang binigyang diin ng grupong GentleMen Bicol for Sexual and Reproductive Health and Rights, Inc. kasabay ng pagdiriwang ng World Aid’s Day ngayong taon.

Ayon sa presidente ng organisasyon na si Richard Hayag, maraming mga indibidwal at mga pamilya sa bansa ang apektado ng human immunodeficiency virus o hiv infection.

Tulad umano ng covid-19, ang HIV ay maituturing ding isang pandemya na kailangang mai-address ng tama at maipaalam sa mga tao ang mga paraan upang maiwasan ito.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nabuo umano ang GentleMen Bicol for SRHR, Inc. sa layuning mailapit sa mga tao ang libreng serbisyo na kanilang iniaalok tulad ng hiv screening at counselling upang hindi na pumunta sa mga social hygience clinic lalong higit ang mga nagmula sa malalayong komunidad sa Bicol.

Naniniwala ang grupo sa pamamagitan ng tamang pag-educate sa publiko ay mawawakasan ang  “social stigma” at diskriminasyon sa mga “People Living with HIV” o PLH.

Paliwanag pa nito, hindi dapat katakutan ang pagpapa hiv test, lalo na ng mga taong sexually active, may multiple sex partner ng walang proteksyon, dahil ito ay isa ring paraan upang malamang ang health status at mayroon umanong gamot para patulugin ang virus sa katawan ng tao at hindi humantong sa pagkakaroon ng aids.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Bukod sa libreng screening at counselling, nagsasagawa rin umano ang grupo ng online training para sa mga kabataan, men having sex with men (MSM), heterosexuals at mga kasapi ng LGBT community.

Samantala, tema ng pagdiriwang ng World Aid’s Day ngayong taon ay “Ending the HIV Epidemic: Equitable Access, Everyone’s Voice.