Hindi basta-basta ang nais ng ilang grupo na magsilbing security detail ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, dadaan pa sa masusing pag-aaral ang hirit ng Moro National Liberation Front na magsilbing bantay ng Pangalawang Pangulo.
Ipinapaubaya na rin nila ito sa higher authorities kung saan dadaan muna ang mga ito sa background check at masusing training.
Nauna ng sinabi ni Padilla na mayroon pang 400 mga sundalo ang tumitiyak ngayon sa seguridad ni VP Sara.