Hinihinalang shabu, narekober sa dalaw ng isang PDL sa Montible Sub-Colony

Nakakulong na ang isang 46 anyos na ginang na asawa ng isang Person Deprived of Liberty ( PDL )sa Montible Sub- Colony sa Puerto Princesa City.

Ito ay matapos siyang makuhanan sa kanyang bag ng hinihinalang shabu kahapon, ika-27 ng Disyembre 2022.

Read More:  Two passengers intercepted in Iloilo over suspected marijuana

Nakabalot ito sa puting papel sa loob ng shoulder bag , nang ito ay inspeksyonin ng mga gwardya ng kolonya.

Depensa ng ginang na si Marelyn T. Rosales  sa mga awtoridad ng Montible ay hindi niya raw alam na may ganoon sa kanyang bag.

Read More:  Shrimp swarm surprises residents along Sipalay beachfront in Negros Occidental

Samantala, nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang ginang.