Nagpapatuloy ang pagkakaloob ng cash grant sa mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries sa lalawigan ng Palawan.
Ayon kay Maryjane Vidal Monitoring and Evaluation Office ng Provincial Link, nagsimula na noong ika-26 ng Nobyembre ang pay-out at magtatagal hanggang sa ika- 1 ng Disyembre 2022.
Mayroong 73, 534 benepisyaryo mula sa 22 munisipyo maliban sa Kalayaan na walang qualified beneficiaries, ayon pa kay Vidal.
Naka-depende umano ang cash grant na matatanggap sa anak na minomonitor sa bawat pamilya.
Samantala, sa oras na hindi agad ma-withdraw ang cash grant sa nabanggit na petsa ay mananatili pa rin umano ito sa kanilang account.