Hinihiling na drop off point sa Puerto Princesa, tatalakayin muli sa Sanggunian Panlungsod

Tatalakayin muli sa Sangguniang Panlungsod ang kahilingan na magkaroon ng drop-off point para sa mga pasahero mula sa bahaging norte ng Puerto Princesa.

Ayon kay Comm. Chairman on Transportation Councilor Nesario Awat,  iinspeksyonin ng mga miyembro ng komite kung posible bang maging drop-off point ang dating San Jose Terminal.

Read More:  21-year-old  arrested over alleged online school shooting in Cebu

Una rito ay nagkaroon din ng ideya na sa banga sa Brgy. Sta. Lourdes magkaroon ng babaan subalit ito rin ay kailangan pang resolbahin ng komite ng transportasyon kasama ang LTFRB.

Read More:  14-year-old student found with .357 Magnum inside Cebu school

Sa kabilang banda, malabo pa umano sa ngayong na magkaroon ng isa pang terminal sa Puerto Princesa maliban sa barangay Irawan, ayon pa kay Konsehal Awat.