Binata patay nang pagsasaksakin ang sarili sa Naga City

NAGA CITY-  Naligo sa sariling dugo ang isang binata matapos na pagsasaksakin ang sarili sa Naga City.

Sa inisyal na ulat ng PNP, bandang alas 7:45 ng umaga nitong Linggo, nagtanong ng presyo ng karne ang biktima sa butcher na si John Enciso , bigla na lamang kinuha at itinakbo ng lalaki ang kutsilyo papunta sa Barangay Dayangdang.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Hinabol ito ni Enciso subalit nakitang sinasaksak ang sarili hanggang sa matumba na.

Tumawag ng rescue ang negosyanteng si Homer Nova na nakakita rin ng pangyayari sa Bulusan Street Dayangdang , subalit ideneklara dead on arrival ng dokto ang lalaki.

Ayon sa PNP, hindi nakainum ang biktimang naka brown na damit at itim na facemask base sa salaysay ng nasa  pamilihan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Kagabi, nagsadya sa himpilan ng pulisya ang kapatid ng biktima , nakilala si “Bert” hindi buong pangalan, 29-anyos ng Barangay Cararayan, napag-alaman na may problema sa pag-iisip ang binata.

Kinumpirma na ng Police Station 5 na ito ay insidente ng pagpapakamatay.