NAGA CITY – Pinapahintulutan nang makapasok sa border control checkpoint ng Del Gallego, Camarines Sur ang mga galing sa labas ng probinsya kahit na hindi na nakapagparehistro pa sa Safe, Swift and Smart Passage o S-PaSS gayong nananatili pa ring nasa Alert Level 2 ang lalawigan.
Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay PLT Junny Cris Curba, OIC ng Del Gallego PNP.
Aniya, dahil sa mga pagkakataong napakahina ng signal sa lugar kaya hirap makapagparehistro ang ilang pasahero, pinapayagan na nila itong makapasok basta kinakailangan pa ring dala ang Vaccination Card at ID ngunit sa mga hindi pa bakunado kinakailangang nakarehistro pa rin at may Negative Antigen Test o di kaya ay RT-PCR Test.
Samantala , binabantayan parin ang colorum na sasakyan lulan ang mga walang dokumentong pasahero.