Hindi bababa sa isang libong pantanim na punongkahoy ipinamahagi sa Community Pantree ng DENR

CAMARINES NORTE- Hindi pagkain, tulad ng mga de lata, bigas, noodles, gulay at iba pa, kundi mga pantanim na punong kahoy ang ipinamahagi ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)

Ang proyekto na “inspired” ng iba’t- ibang community pantries na laganap na ngayon sa buong bansa ay tinawag na Community Pantree kung saan namamahagi ang ahensiya ng mga pantanim na punongkahoy simula kaninang umaga hanggang alas 3 ngayong hapon basta’t mayroon pang ipamimigay.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing

Ayon kay DENR- PENRO Marlon Francia, hindi bababa sa isang libong seedlings ng iba’t- ibang uri ng puno ang kanilang ipinamamahagi.

Karamihan umano dito ay narra, mahogany at mayroon ding fruit bearing trees.

Para mas marami ang mabigyan, limitado lang sa limang piraso ng pantanim na puno ang ibinibigay sa isang tao.

Read More:  19 Badjao rescued after flood traps group beneath Iloilo bridge

Ang Community Pantree ay may temang “Magtanim ayon sa kakayahan, Umani ayon sa pangangailangan” na layong i- promote ang urban gardening and planting.