NASUGBU – Arestado ang dalawang lalaki na tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy bust operation sa Nasugbu Batangas.
Kinilala ng Nasugbu MPS ang mga naaresto na sila, Rolando Vitales, alias “Olan”, 34 anyos, isang janitor at si Romeo Vitales Jr., alias “Tamunay”, 30 anyos at pawang residente ng Barangay Bucana, Nasugbu Batangas.
Ayon sa imbestigasyon, kumagat sa operasyon ang dalawang suspek at nagbenta ang mga ito ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa pulis na nagkunwaring buyer sa halagang P500.00.
Narekober mula sa mga suspek ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu at 500 pesos na marked money na ginamit sa operasyon, tatlo pang sachet ng pinaniniwalang shabu at isang unit ng smart phone.
Sa nagyon ay nakakulong na ang mga ito at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, 11 at 26 ng RA 9165 o Comprehensive of Dangerous Drugs Act of 2002.