Go nagpa-abot ng pakikiramay sa naiwang pamilya at mga kaibigan ni dating Pang. Noynoy Aquino

Nagpaabot ng pakikidalamhati si Senator Christopher Bong Go sa naiwang pamilya at mga kaibigan ni dating Pangulong Benigno Noynoy Aquino III.

Sa isang pahayag binalikan ni Go ang ilang mga pagkakataon na kasama nila ni Pangulong  Rodrigo Duterte si PNoy.

Ayon kay Go noong 2010 noong tumakbo itong pangulo sa eleksyon ay ikinampanya pa nila si PNoy bilang pagtanaw ng utang na loob ng noo’y alkalde ng Davao sa pamilya Aquino.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nakakalungkot lamang ayon kay Go na sa batang edad  ay pumanaw ang dating Pangulo.

Inalala naman ni Go na noon ay palagi silang nagbibiruan ni PNoy  kung saan palagi siyang  tinutukso dahil kamukha siya ng isang dating Cabinet Secretary.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Dagdag pa ni Go, tuwing nagtutungo ng  Davao City ang dating Pangulo ay pinadadalhan pa niya ito palagi ng  chilicon carne na paborito nitong kainin sa eroplano.

Inihayag naman ni Go na kung magkakaroon ng pagkakataon ay posibleng dumalaw siya sa burol ng dating Presidente.