Hinating puno sa UK, naging tourist attraction

Tila naging tourist attraction ang punong hinati ng kapitbahay ni Bharat

Nagalit umano kasi ang kanyang kapitbahay sa nakatayong puno dahil maraming ibon ang namugad sa fir tree kung saan nagiging sagabal ito sa kanilang driveway at naiiputan ng ibon ang kanilang kotse.

Ang naturang puno ay may taas na 16 feet at nasa 25 years na itong nakatayo at nagsisilbing hati sa dalwang bahay.

Matapos nito ay nagulat nalamang si Bharat, nang putulin ng kanilang kapitbahay ang puno na nasa pagitan ng kanilang properties.

Hindi naman itinumba ang nasabing puno, bagkos ay hinati ito ng mag-asawa at ang bahagi namn ng puno ay nanatiling nakatayo sa property ni Bharat.

Matapos ang tatlong taon, maraming turista ang bumibisita sa nasabing hinating puno.

Kasabay nito ay naging tourist attraction din ito sa Google Maps at umani ng maraming reviews. (BRIGADA NEWS INTERN-RAUVIC CIFRA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *