Janry Ubas, nasungkit ang unang Gold Medal sa Silk Road Olympics Long Jump

Nasungkit ni Janry Ubas ang unang gold medal sa men’s long jump.

Ito’y matapos niyang makuha ang 1st place sa long jump competition ng Silk Road Olympics sa Tashkent, Uzbekistan.

Nakatalon si Ubas ng 7.85 meters sa kanyang 2nd attempt.

Sumunod naman sa kanya ang representative ng Hongkong at 3rd place naman ang Kyrgyzstan. (BRIGADA NEWS INTERN-JHALDEA RULONA).