Higit sa 70 PNP Senior Officers, binalasa

Ilang araw matapos ang pagpapalit ng liderato, nagpatupad ang Philippine National Police (PNP) ng balasahan ng iba’t-ibang posisyon sa kanilang mga opisyal.

Ayon sa pambansang pulisya, nasa mahigit 70 PNP Senior Officers ang apektado sa isinagawang balasahan.

Kabilang sa mga nailipat na opisyal ay si Police Lt. Gen. Jose Malayo na tatayo bilang bagong PNP Deputy Chief for Administration.

Si Police Major General Benjamin Santos Jr. ang itinalaga bilang bagong PNP Deputy Chief for Operation at si Police Maj. Gen. Arthur Bisnar naman ang uupong bagong PNP Chief of Directorial Staff.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Bukod dito, inilipat si Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr. sa Area Police Command Western Mindanao at si Police Lt. General naman sa Rhodel Semonia sa Area Police Command Visayas.

Dagdag pa rito, itinalaga bilang mga Acting Commander sila Police Major General Patrick Villacorte sa Area Police Command Eastern Mindanao at Police Major General Felipe Natividad sa Area Police Command Northern Luzon.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Ayon kay Police Brigadier General Roderick Alba, ang isinagawang reshuffle ay layuning magbigay ng bago at karagdagang oportunidad at paglago sa trabaho ng mga kapulisan.

Naniniwala rin PNP na ang hakbang na ito ay mas lalong magpapalakas sa kanilang hanay.

Ito raw ay dahil ang pagtatalaga ng mga karagdagang senior officer na may sapat na kaalaman at karanasan ay makatutulong sa pagsasagawa ng mas epektibong operasyon laban sa kriminalidad gayundin ang pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kapayapaan sa bansa.
#