DBM, inaprubahan na ang P2Billion fund para sa DSWD

Inilabas na ng Department of Budget and Management ang Special Allotment Release Order o ‘yung SARO na nagkakahalaga ng P2 Billion.

Ang naturang pondo na kung tawagin ay Assistance to Individuals in Crisis Situation ‘o AICS ay isang programa ng DSWD upang makatulong sa mga Pilipinong.

Layon nitong mabigyan ng financial aid ang mga indibidwal na higit na ngangangailangan.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Maaaring gamitin ang pondo para sa pagpapagamot ng isang indibidwal, pati na rin ang burial aid, pambili ng pagkain, at iba pang mga support services.

Maaari ring i-avail ang aid para naman sa mga nais umuwi ng probinsiya.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Sa hulat ng DBM, tinatayang aabot umano sa mahigit 1.5 milyon ang mga naserbisyuhan ng AICS nitong Hunyo – lagpas pa ito sa annual target ng gobyerno na 1.4 million individuals.

Sa huli, tiniyak ng Kagawaran na tuluy-tuloy ang kanilang mga programa, katuwang ang iba pang ahensya ng Gobyerno para sa kabutiran ng mga mamamayan lalo an ang vulnerable at disadvantaged sectors.
#