Panukalang batas na layong bigyan ng ‘one-time P2k cash aid’ ang mga Pinoy, inihain sa Kamara

Inihain sa Kamara ni Kalinga party-list Rep. Irene Gay Saulog ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng one-time cash aid na P2,000 ang lahat ng mga Pilipino.

Sa House Bill No. 2022 o ang ‘Universal Ayuda Act’, binigyang diin na kailangan na kailangan ng bawat Pinoy ang naturang ayuda para maibsan ang patuloy pa ring epekto ng pandemya maging ng mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Nakasaad sa naturang panukala na nakasentro ang ayudang ito lalo’t higit doon sa mga indibidwal na hindi nakakasama sa mga nagdaang programa o bigayan ng ayuda ng gobyerno.

Kaugnay nito, sinabi rin sa proposed bill na mangangailangan ng P218 billion na pondo ang gobyerno para sa maisakatuparan ng naturang panukala.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Samantala, sa oras na maisabatas, kailangang makipag-ugnayan ang national government sa iba’t-ibang ahensya kagaya sa Department of Interior and Local Government (DILG), Departmeny of Information and Communication Technology (DICT) at sa Philippine Statistics Authority para sa implementasyon ng pamamahagi ng dalawang libong pisong ayuda.
#