Dead on Arrival ang pahinante ng wing van na nahulog sa bangin sa barangay Yupisan, Pamplona, Negros Oriental.
Nangyari ang insidente pasado alas-6:00 ng umaga ng Linggo, Hunyo 23, 2024.
Sa report ng kapulisan, kargado ng ice ang nasabing sasakyan at galing ito ng Hinobaan, Negros Occidental.
Pagdating sa nasabing lugar, nawalan ng preno ang sasakyan at lumihis ng linya sa kurbadang bahagi ng kalsada hanggang sa mahulong sa bangin.
Isinugod sa ospital ang pahinante ngunit ideneklarang patay.
Na-trapped sa loob ng wing van ang driver ngunit kaagad itong narescue at ligtas na ang kalagayan.