Positivity rate ng COVID-19, tumaas

Nadagdagan ng 200 kaso ng Omicron subvariants ang Pilipinas batay sa pinakahuling sequencing ng health officials.

Sa MediaForum ngayong tanghali, kinumpirma ni Department of Health OIC Maria Rosario Vergeire na mayroong 190 cases na mga bagong kaso ng BA.5 subvariant.

162 ay nagmula sa Region 11, habang 23 naman ang nagmula sa Region 12.

175 sa naturang bilang ay tagged as recovered na; habang pito pa ang nananatili sa isolation.

Mayroon naang 34 na mga bagong kaso ng BA.4 kung saan, 33 na ang recovered.

Sa kabuoan, mayroon nang 4,203 na BA.5 cases; habang 149 naman ang BA.4 cases.

Samantala, mayroon ding isang bagong kaso ng BA.2.12.1 mula sa Region 11 at gumaling na rin.

Nagkaroon din ng pagtaas ng kaso sa karamihan ng mga areas sa Pilipinas maliban na lamang sa Metro Manila na mayroong naitalang downtrend o pagbaba ng mga naitatalang kaso.

Sa kabila nito, nananatili pa rin sa ‘low-risk’ ang buong bansa; habang ang NCR at CAR ay nananatili sa ‘moderate risk’ classification sa ADAR na 9.17 at 7.96 per 100,000 population.

Nasa high-risk ang ICU utilization ng BARMM na mayroong isang severe at critical cases.

Tumasas din ang national positivity rate sa 18.5% mula sa 18% noong nakaraang linggo.
#