Higit P7M ng pinaghihinalaang shabu, nasabat sa Caloocan City

Nasabat ng Government anti-narcotics operatives ang nasa P7,140,000 halaga ng shabu kasunod ng pagkakaaresto ng dalawang suspek sa Caloocan City.

Sa operasyon, natukoy ang mga suspek na sina Raquel Ducan Macmod, 33-anyos, at Abdulbasit Abdullatip Ali, 34 anyos.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Nakumpiska sa mga ito ang 10 nakataling transparent plastics na naglalaman ng higit-kumulang 1,000 gramo ng pinaghihinalaang shabu, at 5 heat-sealed transparent na plastic sachet na may higit-kumulang 50 gramo ng white crystalline substance.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Maliban sa mga ito, nasabat din ang mga IDs, isang analog phone, at isang Toyota Vios.

Humaharap sina Macmod at Ali sa kasong paglabag sa Sections 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.