Higit P700-M halaga ng tulong – napa-abot na ng DSWD sa mga apektado ng kambal na bagyong Kristine at Leon

Umabot na sa mahigit P700 milyong halaga ng tulong ang napa-abot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng kambal na bagyong Kristine at Leon sa bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagbigay na rin ang DSWD P525,000 humanitarian assistance sa Calabarzon at Cordillera Administrative Region (CAR).

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Maliban dito, bumalik na sa normal ang operasyon ng mga power generation plants at 108 sa 160 munisipalidad ang energized kung saan wala namang naiulat na na kakulangan sa fuel supply.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Samantala, nagbigay din ang Department of Health (DOH) ng P4.5 milyon para sa mga pangangailangang medikal at sanitasyon sa NCR, Cagayan Valley, Calabarzon, at Bicol.