Gaya ng nakasanayan tuwing Undas bumisita si Senator Christopher “Bong” Go sa mga puntod sa Davao City kung saan nakahimlay ang kanyang mga namayapang mahal sa buhay.
Matapos ang pagdalaw sa dalawang sementeryo at pakikisalamuha sa mga Dabawenyo at uniformed personnel, dumiretso siya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay nito, dinalaw nila ang mausoleum ng mga magulang ni Digong na sina Vicente at Soledad Duterte at nag-alay sila ng dasal at sinariwa ang magagandang alaala ng mga ito.