Higit 9 na libong examinees nakumpleto ang unang araw ng Bar exams -SC

May kabuuang 9,207 examinees mula sa 10,006 applicants ang naka kumpleto ng unang araw ng 2022 Bar examinations kahapon ayon sa Supreme Court.

Ito ay katumbas ng 92.01% na turnout na may kabuuang 799 examinees na absent.

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Ayon kay Supreme Court Associate Justice at Bar Examinations Committee Chairperson Alfredo Benjamin Caguioa, naging maayos ang unang araw ng exams.

Ang local testing center sa Ateneo de Manila University ang may pinaka malaking bilang ng mga examinees na 2,233.

Ito ay sinundan ng Saint Louis University sa Luzon na may 947 examinees at De La Salle University na 762 examinees.

Una ng nagpatupad ng mahigpit na seguridad ang PNP sa labing apat na local testing venues sa bansa. //CA